Alam niyang nawala siya sa kanyang sarili dahil hinayaan pa rin niya si Chad na tapusin ang kanilang nasimulan. Lutang na siya sa panahong ‘yon habang inisip ang iba pang mga kasinungalingan ni Audrey sa kanya. Pinaniwala kasi siya nito na si Chad lang ang lalaking dumaan sa kanyang buhay. May iba pa pala, at hindi man lang iyon nabanggit ni Audrey kahit minsan. Nawala ang kanyang kalasingan nang sumakay siya ng taxi pauwi sa kanilang apartment ni Audrey. Ilang taon na silang nagsama ni Audrey ngunit ni minsa’y hindi nito nabanggit sa kanya ang pagkakaroon ng nobyo bago naging sila. Ang sabi ni Audrey noon na hindi pa raw siya nakaranas magkanobyo. Napakasinungaling! “Manong, pakibilisan na lang po sana, wala namang trapik sa daan.” Utos ni Pasha sa taxi driver. “Kahit na