Hindi niya naintindihan ang lalaki kung bakit sunod ito ng sunod sa kanya. Siguro kung tunay lang siya na babae ay iisipin niya na may gusto si Chad sa kanya. Siguro ay kikiligin pa siya. Kaya lang, hindi naman siya ganun. Fifty percent babae, at fifty percent lalaki ang kanyang pagkatao. Katawan ay babae ngunit ang puso, isipan at kilos ay lalaki. “May gusto ka ba sa akin?” Tinanong ni Pasha si Chad habang nagmaneho ito ng sasakyan pabalik sa opisina. Muntikan na niyang maapakan ang preno nang marinig ang katanungan ni Pasha. Actually, ilang beses na rin niyang tinanong ang kanyang sarili kung may gusto ba siya sa babae pero alam niya sa kanyang sarili na wala. “Bakit mo naman naitanong?” gumanti siya ng tanong kay Pasha. “Hindi ko kasi m