Dahil sa nangyari sa kanilang dalawa ay mas lalong lumayo ang kalooban ni Pasha kay Chad. Pati si Irene ay nakakahalata na kaya medyo kumalma si Pasha. Hindi niya na gaanong sinagot-sagot si Chad. Ayaw niyang masabihang malandi! “Bukas na ang birthday mo, ah. Saan tayo kakain?” Biniro ni Irene ang kasamahan na laging nakasimangot. Ewan ba niya kung bakit galit ang babae kay Chad, at kung bakit hindi na lang ito mag-resign kung ayaw naman sa boss nila. “Sa bahay lang,” sumagot si Pasha. Noong isang linggo pa niya alam na maghahanda ang kanyang parents para sa kanyang kaarawan. Mas espesyal kasi ngayong taon dahil kumpleto sila. “Sa bahay nyo? Sayang naman at hindi kami makapunta,” nakasimangot na sabi ni Irene. “Bakit hindi?” Nagtaka rin