Nakunsensya si Pasha pagkatapos niyang sampalin si Audrey dahil guilty din siya sa pag-imagine kay Chad. Hindi niya pinagpantasyahan si Chad dahil babae pa rin ang gusto niya kaya lang ay nahirapan siyang ibaon sa limot ang nangyari sa kanila ni Chad noon. “Kiss me…,” utos niya kay Chad na halatang naguguluhan sa nangyari. Umiling si Chad at pilit na iniwas ang kanyang mukha ngunit hindi nagtagal ay naisip niya na bakit hindi niya gagawin ang gusto ng babae? “Sigurado ka ba?” Tinanong niya muna si Pasha at nang tumango ang ulo nito, kaagad na bumaba ang kanyang mukha at sinakop ang mapupulang mga labi ni Pasha. Malambot ang labi ng babae at hindi siya nagsawang kagat-kagatin ito, hanggang sa matukso na si Chad na palalimin ang halik at unti-unti ay ipinasok niya