Yvaine's P.O.V Sobrang saya ko! Gusto ko nang mag tumbling pababa ng hagdan sa sobrang excited ko! Naririnig ko na kase yung busina ng motor ni Hiro ko este Shiro. Feeling ko ako si Cinderella at maiiwan ko na yung flat shoes ko sa kakatakbo. "Hoy! Kambal uminom ka ng gamot!" Sigaw ni Zach habang naglalaro sa Psp nya "Anak mayroon daw tao sa labas sabi ni yaya. Papapasukin ko ba?" Tanong ni Mommy "No need na po---" "Yvaine, Hello po tita" nagulat ako sa boses na narinig ko. Pag lingon ko sa pinto O to the M to the G. Si Shiro nga! Pinapasok na pala sya ni Yaya! Nga pala! Bago lang kass tong yaya namin my god! "Iho? Panong--" "Mommy magpapaliwanag ako pag uwi ko! Promise po!" Sabi ko at hinalikan si Mom sa pisngi "Hoy kambal ang ingay-- te-teka si? K-kambal" nauutal na hindi mak