This Chapter is Dedicated to itzmehmaxiii Yvaine's P.O.V "Yvaine? Ayos ka lang ba? Bakit ganyan ka? Nitong mga nakakaraang araw sobrang lungkot mo" Puna saakin ni Sean Nasa resto ako, Sa private place kung saan sa likod ng resto na makikita mo ang sunset, hinihintay ko ito pero dumating si Sean at heto nanaman sya sa ligaw duty nya "Sean, Pag nalaman mo. Masasaktan ka lang, minsan hindi na natin kailangan pang sabihin lalo na kung makakasakit ka lang ng damdamin" sabi ko at uminom ng ice tea at nakatitig parin sa langit at hinihintay bumaba ang araw "Pero, Minsan kailangan natin malaman ang katotohanan para matanggap natin ito, Wag tayo mag bulag bulagan at mag bingi bingihan sa katotohanang kailangan malaman" sabi nito Napatingin naman ako sakanya, ang seryoso nya ngayon "Yung