Twenty seven Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi, basta pagkasabi ni Eugene ng 'I love you' ay nakuntento na ako at mabilis nakatulog. Ngayon ay umaga na, hindi ko alam kung anong oras .. tulad ng palagi kong gingawa kapag kagising ay kinapa ko ang cellphone ko sa ibabaw ng lamp table habang naksubsob pa ang mukha ko sa kama. Nang makuha ko iyon ay mabilis kong tinignan ang oras at nakitang six thirty eight na pala ng umaga. Bumangon ako at dumiretso na sa banyo para maligo, maaga akong papasok ngayon para maaga din makauwi mamaya, kakausapin ko rin si Diane. Nang matapos ako ay nag bihis lang ako ng tshirt na dilaw na may nakasulat na 'Kyungsoo' at tinernuhan 'yon ng itim na pants. Hindi muna ako nag suot ng shoes at naupo muna sa kama tsaka doon tumulala habang nag s