Eighteen.
Hindi ko alam kung anong meron pero, gusto kong mag mura ng malutong, napaka sakit ng ulo ko! Parang patinutusok ng turnilyo yung bunbunan ko, hayop.
Umikot ako para umayos ng higa at halos lumabas ang kaluluwa ko ng muntik na akong malaglag, mabuti na lang at nakakapit ako sa kung saan kaya hindi ganoon kabigla ang paglaglag ko.
Napadaing pa ako ng tumama ang siko ko sa matigas na bagay. Masakit na dinilat ko ang mata ko. Nakita kong nasa uluhan ko ang lamesita ko, at sa kabila naman ay nakakapit ako sa arm rest ng sofa.
"Aray.." daing ko. Sakit ng siko ko tapos nakikipag talo pa yung ulo ko. Jusko Lord!
"Alak pa more!" hiyaw ng kung sino.
Pinilit kong bumangon para makita kung sino 'yon.
Si Diane. Naktayo sa tabi ng ref at may hawak na baso na puno ng yelo.
Inirapan ko siya at humiga ulit sa sofa. "Penye akong tubig, Diane." pasuyo ko.
Shit. Ang sakit talaga sa ulo! Hindi na talaga ako iinom!
Hindi ko alam kung sumunod ba si Diane o ano, pero nakita ko na lang siyang nakaupo sa lamesita at inaabot sa akin ang hawak niyang baso ng tubig. Umupo ako at ininom na 'yon. Grabe.. kahit papaano ay guminhawa naman ako. Dinakot ko ang isang ice tube sa baso tsaka iyon pinaglaruan sa bibig ko. Ibinalik ko ang baso kay Diane.
"Baboy mo.." sabi niya. Pero wala naman akong pakielam.
"Hoy, anong nangyari sa inyo ni Doc?"
Napatigil ako sa paglalaro sa bibig ko.
Putik oo nga! Nandito kagabi si Eugene! Lumingon ako sa kusina
"Umalis na yung leading man mo kaninang 5 am." sabi niya at nilapit ang mukha sa akin. "Alam mo, matagal na tayong mag kaibigan pero hindi ko naman alam na good kisser ka." tinulak ko siya.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Sus!" hiyaw niya at lumayo. "Kaya pala nilagay mo ako sa kwarto mo para walang istorbo sa inyo! Well sorry, nakabangon pa ako kagabi at nasaksihan ko ang paglalabanan ng labi ninyo, mula sa pader na yan, all the way here, sa sofa!"
Nanlaki ang mata ko. s**t. "Totoo ba?" tanong ko.
"Oo no! Well, masasabi ko lang. Bagay kayo. Lakas ng chemistry, galing ni Doc!"
"Diane!" saway ko sa kanya. "Tumigil ka ah!"
"Why? Sabihin mo nga kayo na ba?"
"Hindi!"
"Napaka landi mo naman pala, nanliligaw pa lang sayo, nagpahalik ka na."
"Mas malandi ka Diane, alam mo 'yan."
"Oo no, walang makakatalo sa akin." aniya at tuamyo na. "Anyway, aalis na ako. May trabaho pa pala tayo, muntik ko ng makalimutan. At may pinasa ako sa email. Tignan mo later."
"Ayaw mo muna mag almusal?" tayo ko.
Humarap siya at sinabit na ang bag niya sa balikat. Ngayon ko lang napansin na damit ko pala ang suot niya. Nakaligo na rin ata siya.
"Tapos na. Bago kasi umalis si Doc, ay nagluto siya ng food for you, nakalimutan ata niyang nag eexist ako dito. Kumain na lang din ako, at masarap ba si doc?- i mean, siya.. Mag luto."
Binato ko siya ng unan. "Alis na!"
"Sus! Arte mo."
Ang dami pa niyang sinasabi pero tinulak ko na siya palabas ng pintuan. s**t! Gusto ng katahimikan! Sumasakit lalo yung ulo ko sa ingay niya.
Habang naliligo ay pilit kong inalala ang nangyari kagabi.
Naalala ko ang nangyari bar, pagkauwi namin at yung pag ipit niya sa akin sa may malapit sa tv. Isang beses niya lang akong hinalikan. Pagkatapos nun, ay tapos na. Wala na akong maalala. Blanko na lahat, ang tanging natira na lang ay yung sakit ng ulo ko.
Putik! Naalala ko yung sinabi ni Diane kanina, na all the way sa sofa? Umabot ako dun? lintik, binuhat ba ako ni Eugene?! Nagmadali akong mag banlaw at kinuha agad ang cellphone pagkatapos.
'Mag usap tayo mamaya.' at tinext ko iyon kay Eugene.
Shit. Lasing ako kagabi tapos hindi man lang niya ako pinigilan? Hindi man lang niya naisip ang sitwasyon namin ngayon? Hindi kami mag jowa! Gosh. Siguro nasa isip niya ang easy to get ko? Nahalikan agad. Masyadong pamigay. s**t. Sa tanda kong 'to, hindi ko na dapat iniisip 'to e. Putik! Napaka toxic ko na mag isip napapansin ko.
Pumasok ako ng trabaho ko ng walang ibang laman ang utak kung hindi ang nangyari kagabi at kanina. Palagay ko nga non sense na itong sinusulat ko sa computer, dahil hindi wala naman doon ang focus ko.
Ala sais ng inaayos ko na ang gamit ko para makauwi na ay nakatanggap ako ng text.
Text galing Eugene.
Mabilis kong binasa iyon.
'Okay let's talk. But im in the middle of evaluation right now. Hindi kita masusundo, hindi ako makaalis e. Maybe 7:00 pm ang tapos nito. But please, take care. Be safe. I love you.'
Binato ko 'yon sa loob ng bag ko matapos mabasa.
Ano pa nga ba..
--
Nineteen.
Nakaupo ako sa aking sofa ngayon, kakauwi lang galing sa trabaho ay hindi pa rin maiwaglit sa isip ko kung sno ba talaga ang nangyari kagabi. Kung nasundan ba talaga yung...yung.. ayun. Yung halikan namin. Matagal na rin kasi akong hidni nakainom ng alak, kaya siguro grabe ang naging epekto sa akin ng pag inom ko kagabi. Sakit lang talaga ng ulo ang dulot ng alak na 'yan. Hindi ko pa din maalala ang lahat ng nangyari. Hindi ko sure kung may ginawa ba akong kahiya-hiya kagabi.. s**t.
Nahagip ng mata ko ang orasan. Alas siyete na ng gabi, at hindi talaga ako mapakali. Kanina tinext ako ni Eugene dahil hindi ko sinasagot amg tawag niya. Ang sabi niya, alas otso pa daw siya pwede umalis sa hospital. Bigla nga akong na guilty kanina, umatras ako sa pakikipag usap sa kanya, dahil nalinga sa utak ko na importante nga pala ang work niya at hindi siya pwedeng basta umalis na lang. Pero siya mismo nag sabi na kailangan nga namin mag usap. Kaya ngayon..
Para kahit papaano ay mawala sa utak ko ang mga iniisip ko ay kinuha ko ang laptop ko at mag susulat na lang sana. Ang kaso.. Hindi ako makapag focus.. Putik! Ang daming distraksyon!
Walang sabi sabi na lumabas ako ng unit ko at sumakay ng elevator pa rooftop. Mas gusto ko na lang doon. Madilim man pero peaceful. Siguradong mas makakapag focus ako doon. Isa pa, may guard naman sa labas ng pinto nun, kaya hindi masyadong scary.
Bumungad agad sa akin ang lamig ng hangin pagkapasok ko doon. May nakasalubong pa nga akong mag jowa na papalabas naman ng rooftop. Umupo ako sa isa sa mga blocks doon sa gilid. Abot ng mga mata ko ngayon ang mga nagkalat na bituin sa langit. Pati ang mgs building na pilit inaabot ito ay nasa tanaw ko.
Ngayon, ako na lang ata ang mag isa dito paniguradong makakas-
"Dell." nilingon ko ang tumawag sa akin. Nakita kong nakatayo sita banda sa likod ko. Nakasuot ng puting tshirt ang itim na pantalon, bitbit pa nga ang osang tela, na sa palagay ko ay jacket niya.
Tumayo ako. "Akala ko alas otso ka pa?" di ko napigilang itanong dahil sa pagka bigla.
Lumapit siya sa pwesto ko at binaba ang bitbit sa tabi ng laptop ko. "You said you want us to talk."
Tumango ako. "Oo. Pero..ano..pagtapos na lang ng work mo dapat.."
"May work is done." aniya. "Ano pag uusapan natin?"
Naipit bigla ang pag lunok ko. s**t. Kanina lang para akong gripo na buga lang ng buga, tapos ngayon na kaharap ko na siya wala ng lumalabas.
Bobo lang?!
"Is this about what happened last night?" tanong na niya ng hindi pa rin ako nag salita.
"Naghalikan tayo kagabi hindi ba? Bakit hindi mo ako pinigilan? Alam ko naman na kasalanan ko rin pero sana naman pinigilan mo ako?!" binigay ko na talaga lahat ng lakas ng loob. "Tapos may sinabi pa si Diane, na..na.. Sa sofa!"
"Yes we kissed last night." aniya at hinila ako para makaupo sa kandungan niya.
"Uy, Eugene.." tulak ko sa kanya pero wala siyang reaksyon, at nang makaupo na ako ay mabilis niyang ipinatong ang baba sa aking balikat at niyakap ako. Pinagsiklop pa niya ang mga daliri namin.
"Eugene.."
"Saglit lang..kuha lang ako ng energy."
Nakagat ko ang labi ko. Hindi ko na rin magawang mag reklamo pa. I mean..siguro pagod, pagod talaga siya.. Sabi nga ng iba, wala ng oras ang trabaho ng doctor at ng iba pa sa ospital. Dun na sila halos nakatira. Biglang sumapak sa akin ang pag sisi. Dapat hindi ko na lang siya inabala pa, maliit lang naman na bagay ang concern ko at isa pa, may kasalanan din naman ako don.
"Nag dinner ka na ba?" tanong ko ilang saglit ng katahimikan. Naramdaman kong inamoy niya ang buhok ko.
"Not yet." sagot niya.
"Ahm.. Nagluto kasi ako sopas.. gusto mo ba?" well..kaunti lang yun. Pero ang sama ko naman kung hindi ko siya papakain smaantalang may pagkain naman ako.
"Yeah. I want to eat sopas." aniya at tumayo na, nagulat pa nga ako ng halikan niya ako ng mabilis, smack lang.
Hindi ko alam kung mali ba 'to? I mean..kasi ayos lang sa akin ang ginagawa niya, hindi naman ako nandidiri o ano pa.. Tsaka ilang beses ko na siyang pinagtabuyan pero hindi naman siya lumayo, siguro nga totoo ang sinasabi niya na mahal niya ako. Pero..
"Initin ko lang sandali yung sopas." sabi ko sa kanya ng makarating kami sa unit. Akala ko nasa sofa siya sa sala, hindi ko naman alam na sumunod pala siya sa akin sa kusina.
"It's alright. Take your time." aniya st umupo dun sa upuan sa maliit kong dining table.
"Ahm.. Gusto mo pa ba ng ibang pagkain?" tanong ko. Naiisip ko kasi na mag prito ng luncheon meat, masarap kasi iyon kasabay ng sopas kasabay ng tocino, pero wala naman akong tocino dito.
"Kung anong lutuin mo, kakain ko naman." aniya. Inirapan ko siya at nag prito na lang. Bakit pa kasi ako nagtanong? I mean..baka mamaya humiling siya ng patatim dito at wala naman akong maibigay.
"Ay putik ka!" gulat na hiyaw ko ng may bigla na lang pumulupot sa akin. "Eugene nga! Nagluluto ako!"
"Kukuha lang ako ng energy.."
"Kanina ka pa energy ng energy! Palusot mo lang yata 'yan!" tulak ko sa kanya. Kanina rin sa elevator ay yumakap siya sa akin, energy din daw.
"Ofcourse not. Im not really feeling well the whole day,"
"Heh! Tumigil ka!"
"I really just miss you today. Ang saya ko nga ng nabasa ko yung text mo na gusto mong makipag usap. You missed me too?"
"Kapal! Sa ganda kong 'to, mamimiss kita? No way." sabi ko at bumalik na ulit sa pag piprito at nabuwisit ng medyo umitim na yung meat.
"That's my girl!" aniya.
"Ano?!"
"What?" sabi niya at bumalik na inupuan niya kanina.
"Kung ano-ano ang tinatawag mo sa akin!"
"What? Ayaw mo ng love. My girl. Becoz you're my girl."
"Im a woman. Not your girl!"
"Edi woman. You're my woman." aniya at kinindatan pa ako. Hindi na ako nakatiis at lumapit na ako sa kanya at hinila ang patilya niya.
"Huwag kang imbentor ah! Ang dami mong alam!"
"It hurts love!" daing niya. Pinandilatan ko siya.
"Tahimik!"