Thirty eight. Habang pisil pisil ang mga kamay ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Nasa sasakyan niya ako ngayon at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Kabadong kabado na ako. Gusto kong mag tanong kung saan kami pupunta pero natatakot namana ko. Hindi siya ngumingiti, parang hindi siya yung Eugene na nakilala ko, parang iba. Nagagalit din naman sa akin si Eugene noon, pero hindi naman ganito ang hitsura niya. Mukha siyang papatay e, ang tulis ng mata. Samantalang wala naman akong ginagawa. Ito nga ang unang pagkikita namin dalawang linggo na ang makalipas. Tapos ganito pa ang mukha niya, galit? Ni hindi nga niya ako kinumusta man lang! Walang ni hi, ni ho, wala. Nakita kong pumasok kami sa parking lot ng Martillano building. Di ko pa rin ma gets kung hotel ba ito o condomin