FORTY Kinaumagahan ay nagising ako sa marahang haplos sa aking buhok. Magaan ang paraan niya at mas nakakadagdag ng antok. Pikit pa ang isang mata ko na dumilat. Sinalubong ako ng mga mata niyang namumungay habang nakangiti. "Goodmorning, Love.. I love you," halik niya sa noo ko. Kahit wala pa sa hwisyo ay napangiti ako. Ang sarap naman nun. Umagang umaga may i love you agad ako. Mas lalo kong isiniksik ang ulo ko sa leeg niya. Naramdaman ko rin na mas lalong humigpit ang yakap niya. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, gigising ka sa umaga na katabi ang taong kumukumpleto sayo. Tapos nayayakap mo pa. Kagabi ang sarap ng tulog ko.. Mahimbing at ligtas. Mainit sa pakiramdam at masaya. Hindi ako nahirapan matulog kagabi, pagkayakap niya sa akin ay agad akong dinapuan ng antok. Hindi nama