Four

1630 Words
Kinabukasan pag gising ko ay hindi ko na siya nakita. Umalis na siguro. Nakita ko na lang sa lamesa na may luto na almusal. Kanin at cornedbeef. May iniwan din siyang letter saying 'Breakfast is the most important meal of the day, goodmorning ganda!' Naiinis pa rin ako sa kakulitan niya. Ewan ko ba kung nong meron, bigla na lang siyang dumating at nanggulo. Tahimik yung buhay ko pero ayan siya, nagpupumilit. Pagkadating ko sa office ay may bulaklak ulit ako, tulad ng dati ay binenta ko iyon. Kailangan kasi ng pera nila mama. Kaya naipadala ko na rin yung pera ko na 4 na libo. At itong napagbentahan ng bulaklak na 1800 ang pera ko. Pasalamat na lang ko dahil may kaunti akong stock sa bahay ng mga makakain ko. Kinuha ko ang cellphone ko ng tumunog 'yon. Si Eugene. Napairap ako, pinatay ko ang tawag at nilagay iyon sa airplane mode. Naiirita pa rin ko sa batang 'yon. Ang kulit. Nang maghapon na ay nagkita kami ni Diane sa parking lot, sa kanya kasi ako sumasabay palagi pag uwi, tipid na rin sa pamasahe. Malaking tulong talaga na kibigan ko si Diane. Na hindi pa rin niya ko iniiwan kahit pa wala akong naitutulong sa kanya. "Dell.." aniya habang nagmamaneho. "Bakit?" tanong ko. "May pera ka ba diyan?" tanong niya. Napatingin naman ako sa kanya. "Naipadala ko kasi kina papa yung pera ko, may pera ako diyan kaso para naman sa bahay 'yon, kailangan ko kasi..kung may pera ka lang ha? Hindi kit-" Mabilis kong kinuha yung 1500 sa wallet ko at inabot sa kanya. "1500 lang, pasensya na.." "Uy ano ka ba? Okay lang no, may pera ka pa ba diyan? Kung wala na, hindi mo naman kailangan magbigay, alam ko naman na kailangan mo rin.." "Ano ka ba? Sa dami ng utang ko sa'yo wala pa "yang 1500 na 'yan, huwag kang mag alala, may pera pa naman ako, tsaka dalawang linggo na lang sweldo na ulit natin." sabi ko at nginitian siya. Marahan kong pinisil bilog na wallet ko. 348.00 na lang ang laman nun, dalawang linggo pa bago ang sahod. Kung panay akong sasabay kay Diane papasok at pauwi sa trabaho, ang 348.00 ko ay aabutin pa ng isang linggo. Napapikit akong napabaling sa bintana. Lord, kayo.na pong bahala. Lugmok akong napaupo sa sofa. "Haay Lord!" daing ko. Grabe! Akala ko dati pag may work ka, may pera. Pero mali pala ako.. Iniisip ko tuloy kung bakit pa ako nagtatrabaho? Samantalang wala namang nangyayari sa akin, puro stress lang nakukuha ko. Nag aalala ako na baka pag humingi sila mama, wala na akong maibigay. Anong gagawin ko pag nag hinye sila? Saan ako kukuha.. Nagpasiya na lang ako magtungo sa ref. Alam ko sa pagkain lang mawawala ang stress ko. Pagbukas ko ng ref ay halos manlumo ako. "Paubos na rin pala 'to.." tingin ko doon sa iilan na stock. Isang balot na lang ng tocino ang naroon at iilang hotdogs.. Karamihan doon ay puro na mga biscuit crackers. Wala na rin pala akong pangbaon sa office. Aabot pa siguro ng dalawang linggo to? Kung dalawang beses lang ako kakain sa isang araw. Imbes na kumiha ng makakain ay nagtungo na langa ko sa kwarto ko. Itutulog ko na lang itong gutom ko. Kinabukasan ay maaga ako nagising. Wala akong pasok ngayong araw dahil linggo. Gusto ko sanang umuwi kina mama kaso wala naman ako maiiwan sa kanila, nasa 300 pesos na lang ang pera ko, kung pupunta pa ako doon, kulang pa iyon sa pamasahe pa lang. Kumuha ako ng isang skyflakes sa lamesa ko at nag timpla ng kape. Almusal ko. Diyos ko Lord, umupo ako sa sofa ko at ipinatong ang paan sa maliit na lamesa sa gitna. Tatayo sana ako upang buksan ang t.v. kaso naisip ko baka madagdagan ang babayaran sa bills, umupo na lang ulit ako at humigop ng kape. Natutulala ako. Hindi ko maintindihan, may trabaho naman ako, bakit wala akong pera? Minsan iniisip ko kung tama ba na tinupad ko yung pag sunod sa passion ko o mali. Kung nag tuloy kaya ako sa ibang bansa maayos na siguro ng buhay ng pamilya ko. Hindi siguro ako ngayon naghahabol sa buhay, nakabili na siguro ako ng bahay ngayon kung hindi ko sinunod yung passion ko at nag isip ng praktikal. Masaya ako sa pagsusulat pero nagigipit naman ako. Mahal ko ang pagsusulat pero mahal na rin kasi ang mga bilihin.. Aaminin ko ilang beses ng sumagi sa utak ko ang bitawan na lang ito, mag resign ay mangibang bansa. Kahit mag Dh ako don keri na, di hamak na mas malaki ang sasahurin ko doon. Hindi naman kasi ako yung writer na established na. Na malaki na ang kita, pakiramdam ko nga pinagpipilitan ko lang ang sarili ko sa industriya na 'to. Feeling ko hindi ito para sa akin. May iba sigurong plano si Lord sa akin, matigas lang ang ulo ko. Nang magtanghalian ay niluto ko ang isang pirasong hatdog upang aking maiulam. Sa awa naman ng Diyos ay nakaraos ako doon. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang tumunganga sa dingding ko. Lahat ng pwedeng isipin na isip ko na. Wala na ngang pahinga ang utak ko kaka overthink, hanggang sa nag gabi na at hindi ko namalayan, pasalamat na lang din ako na nagtext si Diane at sinabing mahdadala siya ng pagkain. Makakalibre ako ng dinner. Pero ang gaga, nagsama pa ng kasama. Si Eugene. May dala rin na paper bag. "Anong meron bakit mo sinama dito 'yan?" siko ko kay Diane ng nag aayos kami ng pagkain. Nasa kusina kami. "Bobo , hindi ko sinama 'yan, pagdating ko sa parking lot nandon na siya, nauna pa iyan sa akin no.." "Edi dapat pinaalis mo na!" "Eh bakit ko naman papaalisin? Hindi naman akin 'tong building!" "Diane naman..hindi ko na alam sayo.." sabi ko na lang at isinalin yung dala niyang inihaw na manok sa plato. "Ano ba 'yon? Bakit kasi hindi mo pa basteden kung ayaw mo?" Hinarap ko siya. "Kung nasa bente siguro, nasa benteng beses ko nang nabasted 'yang bata na 'yan! Pero ayaw pa rin umalis ayaw pa rin lumayo!" "Ano ba?!" sabi ko ng mairita dahil kinalabit niya ako. Sinilip niya saglit yung lalaki sa may sala na tahimik na nakaupo sa sofa. "Mukhang malakas yung tama sayo nung bata! Ganda mo e! Bakit hindi mo subukan kilalanin? Baka naman okay siya." "Diane, alam mo naman ang buhay ko diba? Jusko ka, napakarami kong responsibilidad, tingin mo dadagdagan ko pa 'yon ng sakit sa ulo? Tsaka, magsasawa din 'yan, mapapagod." "Ewan ko sayo." aniya at binuhat na yung dalawang tupperware na may lamang kanin at yung inihaw na manok. "Kahit minsan man lang sana isipin mo rin yung sarili mo, hindi masama na alalahanin ang pamilya pero sana huwag mong kalimutan yung sarili mo." Sinundan ko siya ng tingin, biglang naipit yung paglunok ko. Napakapit ako sa lamesa ko. Akala ko matatangay ako ng sinabi ni Diane. Parang bigla akong sinapak ng hindi ko nakikita. Mabilis kong pinunasan ang ang kaliwang pisngi ko at huminga ng napakalalim bago pumunta sa kanila sa sala. "Umupo ka na dito kain na tayo!" si Diane na nakaupo sa lapag. Nakita ko rin na nakaupo na si Eugene sa lapag. Umupo ako sa tabi ni Diane. "Here try this," si Eugene na nilagyan ako ng pasta sa plato ko. Sinilip ko siya ng mabilis at hindi na nag salita. Tahimik akong kumuha ng dala ni Diane na inihaw na manok at marahang itinabi yung pasta na nilagay niya. Nagumpisa na akong kumain ng nakakamay. Si Diane naman ay nag umpisa na rin sa daldal niya. "How's your day?" rinig kong tanong ni Eugene. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ag hindi siya pinansin. Dahil sa totoo lang, gusto kong magsawa na siya at tigilan na niya ako. Hindi ko na nagugustuhan yung pagiging sweet at gentleman niya sa kin. Napadaing ako ng sikuhin ako ni Diane. "Huy, nagtatanong si doc, how's your day, daw?" Pinanlakihan ko siya ng mata. Dahil hindi soya nakakatulong. Hindi naman ako bingi, narinig ko yung tanong pero hindi lang talaga ako sumagot at sinadya ko 'yon. "Ako na lang sasagot doc," aniya ng makita ang mata ko. "Wala siyang ginawa maghapon. Hindi pa siya naliligo. Tsaka sabi niya kanina na bimasted ka na niya, pero bakit nanliligaw ka pa rin?" Napapikit ako dahil sa bunganga ni Diane. "I really like her. I don't know, i can't explain it but i really like her. And just because nabasted ako doesn't mean i'll stop chasing her. I will keep on chasing her until she gets tired of running away." Nalunok ko bigla yung kanin. Tinignan ko siya, nasalubong ang tingin niya. "Alam mo, andami namang babae diyan iba na lang. Sa dami ng isipin ko, hindi ako magdadagdag ng sakit ng ulo. Pumili ka yung ka edad mo-" "3 years is not that big," "Ang dami nating gap, pwede ba im sure may mga dalagang doctor naman sa hospital, sila na lang!" "What will i do to them? Hindi naman sila ang gusto ko, ikaw." "Dah-" "Ang ibig sabihin ni Dell, huwag mo na siyang guluhin dahil marami siyang problema. Marami siyang responsibilidad. Sa pamilya at sa sarili niya, 30 na siya pero wala pa rin siyang ipon sa bangko, ni hindi siya makabili ng bagong damit-" "Kapag hindi ka pa tumigil, isusungalngal ko sa lalamunan mo itong tinidor, sinasabi ko sayo!" hindi na ako nakapag pigil sa bunganga ng kaibigan ko. Tama bang sabihin niya 'yon?! Hindi ko napigilan na silipin si Eugene at mas nabuwisit ako ng makita ang awa sa mukha niya. Mabilis akong tumayo pumasok sa kwarto ko. "Pakisarado na lang ng pinto pag alis niyo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD