Sixteen.
Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko, hindi ko alam kung lalabas ba ako sa sala o hindi. Nahihiya kasi ako, depungal hindi ko naman kasi akalain na ganon ang mangyayari. Gusto ko na lang lumubog sa lupa, promise!
Kanina ng makarating ako dito sa building namin ay patuloy pa rin akong sinusundan ni Eugene. At sa sobrang bwisit ko ay hinarap ko ang guard dito sa condo at sinabihan siya na i-block si Eugene at huwag papsukin dahil inaabala ako, pero hindi ko maipaliwanag na dahilan ay natigilan si Manong guard at yung isang receptionist na kausap nito. Kaya pala ganon na lang nila ako tignan! Hindi nila pwedeng i-block si Eugene dahil may unit din pala siya dito sa condo, at sa penthouse pa!
Mukha akong tanga kanina! Tangina bakit ba hindi ko naisip yun? Nung nakaraan pa ako nagtataka kung paano siya nakakapg park dito, samantalang hindi pwede basta mag park ang mga outsider. Nak nang, yun pala ang dahilan! Naalala ko kung paano ako husgahan ng receptionist kanina.. Aaaaay!!!!
"Dell, let's eat." si Eugene sa sala.
Napairap ako. Hindi siya mgpaparamdam buong maghapon tapos ngayon sobra sobra yung panggugulo niya! Hindi ba niya alam na..
"Lalabas na!" balik na sigaw ko.
Nagpalit lang ako ng oversized shirt na itim at short. Bago lumabas ng pintuan ay huminga ako ng apat na beses para kahit paano ay kumalma ako. Nakatayo siya sa harap ng pintuan pagbukas ko kaya medyo natigil ako sa paglalakad.
"Love.."
Binalingan ko siya. "Tigilan mo ang pagtawag sa akin ng ganiyan, nakakairita." sabi ko at nagpatuloy na.
Umupo ako sa sofa at binuksan ang tv. Nahagip pa ng mata ko ang pagkain sa lamesa, may sushi doon at manok, at may box na maliit na sa palagay ko, burger ang laman.
Ilang sandali pa ay umupo siya sa harap ko, hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa tv na nakatingin. Alam ko na nakatitig siya sa akin. Nakikita ko sa ibaba ng mata ko. At sa paraan ng pagtingin niya at ang mga mata pa lang niya ay alam kong malalim ang iniisip.
"Am i making you uncomfortable?"
Pairap akong bumaling sa kanya. At doon ko nakita ang lambot ng mata. Kung paano niya ako titigan na hindi ko ma explain, para akong matutunaw pero siya yung timba na sasalo sa akin.
"Alam kong masyado ko ng pinipilit ang sarili ko sayo, but love- i mean.. Dell, i know when to stop."
Natawa ko sa sinabi niya. "Know when to stop? Joker ka rin. Eh, umpisa pa nga lang pinapatigil na kita, tumigil ka ba? Hindi naman diba."
"Because i think i really need to risk it. Na kahit pa ipagtabuyan mo ako, hindi ako lalayo para makita mo kung gaano ako kaseryoso sayo. That this is not just infatuation or love at first sight. Mahal kita talaga, Dell."
Napapalakpak ako. "Wow? really, love agad? Kaya mas lalo akong hindi naniniwala sayo, isipin mo wala pa nga tayong isang buwan na magkakilala-"
"One month and six days." putol niya sa akin.
"Ano?" litong tanong ko.
"One month and six days na tayong magkasama."
"Okay." tango ko. "One month and six days, imagine, sa ikling panahon na 'yon sasabihin mo sa akin na mahal mo ako, ni hindi mo pa ata alam ang birthday ko-"
"October 17, 1992."
"Eugene ano ba?!" iritado na hiyaw ko. "Lahat na lang may sagot ka!"
"Dahil ayaw mo akong pakinggan. Mahal kita. Can't you just accept it? Mahal kita, mo matter how short or long the time is, the point is mahal kita, mahal kita, mahal kita, mahal kita."
"Hindi kita mahal." sagot ko rin.
"And that's fine to me. Ayos lang sa akin 'yon. Just let me love you and i'll be okay with that. Just let me, hindi kita mamadaliin da-"
"Dapat lang! Dahil hindi naman kita mamahalin, at wala akong planong mahalin ka Eugene. At para sabihin ko sayo, ayoko ng sakit ng ulo."
Tumayo ako ang dinampot ang burger at pumasok na sa kwarto. Alam kong medyo makapal ang mukha ko ng kunin ko ang burger na binili niya, samantalang kakasabi ko lang na hindi ko siya mamahalin, pero basta! Nagugutom na kasi ako, tsaka gusto ko rin makita niya na ganito ang asal ko para turn off siya. Babae na nambasted sayo at may gana pang kunin yung pagkain na binigay mo, see nakaka turn off yun!
Ilang sandali pa ay nangalahati na ako sa kinakain ko ay may kumatok na naman. Nilapag ko ang hawak ko sa lamesa at binuksan ang pintuan.
"Ano na naman?!" sabi ko pag bukas ng pinto.
Inangat niya ang hawak niyang mineral water. "Hindi ka kumuha ng tubig, baka kailangan mo."
Hinablot ko iyon ng mabilis. "Thank you!" sabi ko at mabilis na binagsak ang pinto.
Kinaumagahan ay magana akong bumangon at nag asikaso papasok sa office. Good news! Thursday ngayon, katapusan na. Ibig sabihin, may sahod na! Gosh! Ang saya ko, may pera na ako! and ngayon ko sasahurin yung naipublished na book ko 4 months ago.
Maaga ako umalis para makapag withdraw na, at para na rin maibigay ko na sa bunso namin ang pang tuition niya. Kaya hanggang sa makarating ako sa office ay good mood ako. Kahit pa nanggugulo si Diane ay hindi ko na siya pinapansin. At nakapag bayad na rin ako ng utang ko sa kanya. Nasa 56,000 ang napindot kong pera. Tinignan ko ang wallet ko, 15,500 na lang ang natira. Natawa ako, parang dumapo lang sa palad ko at umalis na.
Pagkatapos ng trabaho ko ay dumiretso agad ako para makapag bayad ng bills. Pagkatapos nun, ay dumiretso ako sa supermarket para makabili ng stock para sa pang isang taon. Gosh kung meron lang talagang ganon.
Pagkatapos kong mamili ay dumaan ako sa paborito kong fastfood chain at doon nag take out ng pagkain. Bubusugin ko ang sarili ko ngayong gabi, proud ako sa sarili ko. Imagine, na survive ko ang dalawang linggo na 300 lang ang laman ng wallet ko.
Pagdating sa condo ay tinulungan ako ni manong guard na ilagay sa trolley ang tatlong kahon at 2 liters na mineral. Medyo nahirapan kasi ako dahil may bitbit pa akong pagkain. Nang nag aabang na ako sa tapat ng elevator ay hindi ko napansin na katabi ko pala si Eugene. Ngumiti siya sa akin at mag sasalita sana ngunit inirapan ko. Ilang sandali lang ay bumukas na ang elevator at lumabas ang tatlong babae.
Pumasok kaming dalawa ng tahimik. Saglit ko namang binaba ang bitbit ko sa ibabaw ng box.
Saan kaya siya pupunta? Nakabihis siya, baka may lakad siya. Naka longsleeve siya ng itim at itim din na slacks. Nakaka distract din ang relos niyang makinang. Lalo pa ang amoy niyang mabango. Pumapasok sa ilong ko, stay in.
Nagdadalawang isip ako kung dapat ko ba siyang ayain na kumain o ano.. Baka kasi may lakad talaga siya. Baka kasi maka istorbo ako. Pero kasi..well, gusto ko lang naman makabawi sa kanya. Dapat lang naman diba dahil mabait siya sa akin.
"Ahm..kumain ka na?" tanong ko sa kanya. Napansin ko pa nga na medyo natigilan siya sa sinabi ko. Nakatitig lang siya sa akin at hindi sumagot. "Ano..may pagkain kasi akong binili, medyo naparami.." sinungaling! Dinamihan mo talaga! "Tsaka sumahod na rin kasi ako,"
Ngumiti ako sa kanya pero wala pa rin siyang reaksyon. Ayaw niya ata? O baka talagang naturn-off na siya sa ugali ko.
Bumukas na ang elevator at nauna na akong lumabas.
"Ayos lang naman kung ayaw mo-"
"Do you really think that i'll reject your offer?" aniya at lumabas na rin ng elevator. Kinuha niya sa akin ang hawak kong trolley at siya na rin ang nag tulak nun.
"Pero kung may pupuntahan ka, ayos lang naman sa akin."
"Dell, wala akong pupuntahan bukod sayo." aniya. "Susunduin sana kita ngayon,"
Napatango ako. "Ganyan suot mo?" tanong ko pa. Susunduin lang ako kaialngan ganiyan ka gwapo?
"Why?" tanong niya.
Inirapan ko lang siya at binuksan na ang unit ko.
"Pangit ba?" tanong pa niya.
Napanguso ako. Binuhat ko ang isang karton pero inagaw niya yun at siya na ang nagbaba ng tatlo. Ako naman ay dumiretso sa sala at nilapag ang pagkain na dala ko, tsaka pumasok sa kwarto. Maliligo ako. Napakainit kasi ngayon, at pawis na pawis na ako sa dami ng pinuntahan ko. Ilang minuto pa ay lumabas na ako, oversized shirt ulit this time kulay pink naman iyon. Wala e, adik ako sa oversized shirt.