"Happy birthday, boy!" bati ni Eugene ng makapasok kami malaking hall. Hindi tulad sa baba kulay itim ang hitsura ng hall na ito. Nagsusumigaw ng pagka matigas. Itim at puti lamang ang makikitang kulay ng paligid, maliban sa iilang halaman na naka display. May nakita rin akong catering na gilid na abala sa pag aayos sa napakahabang table. Meron naman sa gitna na malaking bilog na lamesa, kasya doon ang sampo na uupo. Sa paligid naman ay iilang mga tao na masayang nag uusap at may hawak na baso ng alak at isa lang ang kilala ko doon, si Falco lang, na ngayon ay nakikipag usap sa isang lalaking naka tshirt na may nakasulat na gucci na kulay itim at naka pants. "Tell me everything when we get home later." ani ni Eugene at seryoso na hindi pa rin pala tapos sa issue kanina. Tumango na l