Edna "Kailangan niyang operahan," pakiramdam ko ay may bombang sumabog sa loob ng aking ulo dahil sa naging balita na iyon ni Jethro. Naging blangko ang aking isipan at namanhid sa sakit ang buo kong katawan. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak nang umiyak habang hindi malaman kung ano ang dapat kong isipin. Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito? Bakit kailangan niyang pagdaanan ang pagsubok na ito? Ano ang naging kasalanan niya para salubungin siya ng mundo ng ganito? Bakit ang anak ko pa? Pwede naman ako na lang ang pahirapan nila, huwag lang ang anak ko. Sa subrang sakit na naramdaman ko ay wala akong mapaglagyan ng aking sarili. Sinubukan kong bumangon para pilitin ang katawan kong maglakad papunta sa anak ko na nakikipaglaban kay kamatayan. Ngunit nakalimutan ko