Mabilis na lumipas ang buwan at pitong buwan nang nagdadalang-tao si Eral, masaya kaming parehas sa bago naming bahay, I also hired three housemaids para maglinis, maglaba, magluto, at lahat lahat na dahil ayaw kong nagpapagod si Eral, syempre sila na rin ang nag-aalaga kay Eral habang nasa trabaho ako, kasalukuyan kong pinapatakbo ang kalahati ng negosyo ni Papa, as much as I want to always be beside my wife, hindi pwede dahil may dapat rin akong gampanan bilang isang negosyante. Kinausap na rin ako ni Manager Ris at sinabing kung gusto kong bumalik sa pag-momodelo ay kontakin ko lang siya, actually, wala na akong balak. Bukod sa punong puno na ang kamay ko sa negosyo at kay Eral ay nawawalan na rin ako ng oras. Nang nakarating ako sa bahay galing trabaho ay pagod na pagod na ako pero p