"Hijo, I'm really sorry pero hindi ko rin alam kung saang lupalop nagpunta ang anak ko!" tugon ni Dexter sa binata na bumisita sa kanilang tahanan at hinahanap si Belle. "Sanay na kami sa batang iyon na 'pag sinabing magbabakasyon ay lumalarga na!" singit ni Mela na nagtataka sa binata. "Tell me, hijo, nag-away ba kayo? Be honest please!" "No, we're not!" mabilis niyang sagot."Naging busy lang po ako nitong nagdaang mga araw sa negosyo t'saka nagplaplano po ako ng big surprise for her kaya hindi ko siya nabibisita!" "Babalik din naman 'yon, nagbakasyon lang!" singit ng tiyuhin nito na pababa ng hagdan. "Peter, saang bansa ba ngayon ang batang iyon?" tanong ni Dexter. "No comment, ask her not me!" tugon nito na muling umakyat ng hagdan sa takot na birahin siya ng tanong. "She's