"Buntis, may gusto ka bang kainin? Pwede nating utusan 'yang pangit na 'yan!" turo niya kay France na ngumiti lang sa kanila. "Nakausap ko na si ku-Thomas, susunduin na raw niya ako. Sa kanya na lang ako magpapabili ng gusto ko." Nakangiting sabi ni Cara na bahagyang hinihimas ang tiyan na halata na ang umbok. "Sure ka na ba d'yan? Malinaw na ba ang issue ninyong dalawa?" tanong ni Belle na nangalumbaba. "Nakapag-usap na kami!" tipid na sabi ni France. Kasalukuyan silang nasa kubo kung saan sinet-up ni Paris ang dinner nila. Maliwanag pa rin naman ang paligid dahil sa dami ng ilaw na nakabukas. "Pwede n'yo pa namang ipagpabukas ni Thomas, tabi-tabi na lang sila sa sahig tapos tabi tayo sa kama!" ngiting-ngiti niyang sabi. "Hindi na, on the way na ang sundo ko! T'saka may appointm