"Mom, bakit hindi sinasagot ni Paris ang tawag ko? Miss na miss ko na po s'ya!" maktol ni Van na sinulyapan ang ina ng binata."Mom, baka kasama na naman niya si Belle! Please, please, 'wag kang papayag na magkatuluyan sila mommy! Ako lang dapat!" sumalampak ito sa sahig at nagsimulang umiyak. Lumapit ang ginang saka kinuha ang cellphone na hawak nito. "Anak, tahan na! Busy lang si Paris sa negosyo! Pupunta naman iyon kapag hindi na busy, si France gusto mo tawagan ko?" tanong niya sa dalaga. "Ayoko si France, ayoko! Gusto ko si Paris!" nagsimula na itong mag-tantrums na ikinataranta ng ginang. "Fine, tatawagan ko siya! Stop crying na!" mabilis na pinahid ni Van ang luha saka tumango masaya dahil nakuha na naman ang gusto. Hindi na nga napansin ng Mommy nito ang bahagyang ngisi ng dal