"Stupid ka rin talaga eh 'no, 'di sana kinausap mo muna siya bago ka nagsayang ng pamasahe, pabaka-bakasyon pa ang, gaga!" sermon ni Cara sa kanya. Nagvi-video call sila ngayon. Kumakain na naman ito, himala nga eh dahil sarap na sarap ito sa manggang may bagoong alamang. Trinay nilang kumain noon ang alamang kaso hindi nito na gustuhan siya lang tuloy ang nag-enjoy kumain noon. Pero kita mo nga naman ngayon sobrang sarap na sarap ito sa pagkain. "Kahit naman nalaman ko na ang totoo, hindi pa rin mawawala na nakasaad sa last will ng Lolo niya na kailangan niya akong pakasalan!" "Girl, hindi na natin mababago 'yon! Patay na ang matandang gurang na Lolo niya alangan ipahukay natin? Mahal ka n'ya, sinabi ko na 'yan sa 'yo noon pa! Kung pagdududahan mo ang feelings n'ya sa 'yo, girl, sinasab