Malipas ang isang buwan, “Dad Mommy Cleo aalis po muna ako.” “Saan ka pupunta Colt?” nag aalala na tanong ni JB sa anak. “Dad, kailangan ko pong gawin ito, siguro naman ay pagbibigayan niya ang paliwanag ko at baka pakinggan ako ni Don Manolo sa sasabihin ko.” “Mapanganib ang gusto mo Colt, bakit hindi ka gumawa na lang ng email sa kaniya? At malalaman mo kung makikinig sa paliwanag mo si Don Manolo.” “Subukan ko po Dad, hindi naman pwede na lagi akong nagtatago sa mga tauhan ni Don Manolo. Isa pang dahilan ko ay baka hindi na tauhan ni boss ang huma-hunting sa akin. Baka involve na ang Ina ng bata dahil matagal na niyang gustong makuha ang anak ko.” “Sige anak, kung yan ang plano mo pero mag ingat ka at ipaalam mo agad sa akin kung kailan mo planong kausapin ang boss mo.” “Sige po D