Nagising si Lindsay nang maramdaman na may humahalik sa kaniya. “Mama ko i miss you,” at niyakap ng mahigpit ang ina. “A-anak ko!” nawala ang antok niya at agad na niyakap ang pinakamamahal na anak. Pinupog rin niya ito ng halik at isinakay pa sa kaniyang ibabaw. Kahit malaki na ito ay ito pa rin ang nag iisang baby niya. “Nasaan ang Papa mo anak?” “Nasa baba po kausap si Uncle Josh.” “Mama ko baka po nagugutom ka na? Halika na at ihahatid kita sa kitchen masarap po ang pinaluto ni Papa ko para daw yon sayo.” “Gano’n ba?” nakaramdam siya ng kasiyahan sa sinabi ng anak. Kaya agad na tumayo nang napansin na iba ang suot niya. Isang malaking t-shirt iyon na umabot na sa tuhod niya. “Ang cute mo sa t-shirt ni Papa ko.” “Wow! Totoo ba yan anak? O baka naman binobola mo lang ako huh!” “