Lindsay Vargas Sy Xavier Born: January 15, 1990 Died: March 20, 2013 Tatlong taon na ang lumipas mula ng araw namatay ang Ina ng kaniyang anak. At nangako siya sa harap ng puntod nito na hahanapin niya ang hustisya para kay Lindsay. At ngayon ay sisimulan na niya ang pangakong iyon. Kasalukuyan silang nasa park dahil 7th birthday ng anak na si Cole Aries Sy Xavier Montemayor. Pagkahabag ang kaniyang nararamdaman sa anak. Hindi man lang nito nakasama ang sariling Ina. Kahit palagi itong nakangiti ay masasalamin sa mga mata ang kalungkutan. Every time na nasa park silang mag-ama ay naiiyak ito. Halos masayang pamilya ang mga naruruon at tanging silang dalawa lang ang hindi kumpleto. Kaya yayakapin na lang niya ang anak at yayain mag laro. "Papa! Siguro po kung naririto si Mama ko ay m