KABANATA 31: KANINA PA HINDI mapakali si Dalee. Lagpas isang oras na ang nakalipas pero wala pa ring lumalabas sa bahay ni Andres. Malakas ang kutob niyang pumasok doon ang lalaking sinasabi ni Caro na kapatid niya nga. Dahil kung wala, bakit nasa baba ang sasakyan nito? Kanina pa siya nagpapabalik-balik sa loob ng bahay niya, hindi mapakali habang nag-iisip ng paraan kung paano siya makakapasok sa bahay ni Andres. Hanggang sa huminto siya sa paglalakad, isang ideya na rin ang pumasok sa kanyang isipan. Nagmamadali siyang lumabas ng apartment niya at saka dumiretso sa kabilang pinto kung saan apartment ni Andres. She tried to open the door with Andres’ password ngunit hindi na iyon bumukas— mukhang pinalitan na! Enraged with anger, marahas na kinatok ni Dalee ang pinto. “Buksan mo ‘to

