KABANATA 71: “AALIS NA AKO sa susunod na Linggo, we just need to settle things.” Abala si Caro sa paglalaro ng kanilang mga daliring kanina pa magkasalikop nang sabihin niya iyon. Nakaramdam siya ng lungkot. She wants him to stay with her until his day come pero mukhang hindi iyon pwede lalo pa’t kinakailangang magawa na ni Caro ang kanyang misyon bago siya bawian ng oras. Dalee wasn’t part of his plan… alam na alam niya iyon. Kaya wala siyang karapatang mag-demand ng oras. “May lead ka na ba kung sino ang totoong may gawa no’n sa ‘yo?” she asked. “Yeah,” he replied. “But I want to make sure of it. Ayaw kong magkamali at akusahan ang taong wala namang kasalanan.” Marahang tumango si Dalee, sang-ayon siya roon. Nakita niya kung paano si Caro at mukhang oras na malaman nito ang tunay na

