KABANATA 67: “DALEE NAMAN! BAKIT naman biglaan kang nagdesisyon? Bakit 'di mo ako sinabihan? Tangina! Mafia ang mga iyon, Dalee! Babalikan nila tayo at papatayin!” galit na galit na reklamo ni Kokoy nang makalayo na sila sa police station. Kasalukuyan silang nasa tapat ng isang convenience store. Alas-tres na ng madaling araw at hindi pa rin sila nakakauwi. Ayaw ni Kokoy na dumiretso sa apartment dahil natatakot siyang baka nag-aabang na sila Caro doon. “Balak ko na talagang gawin iyon,” Dalee replied. Kumuha si Dalee ng isang stick ng sigarilyo saka iyon inipit sa pagitan ng kanyang mga labi. Sinindihan niya iyon saka hinithit at ibinuga sa labas ng bintana. “Dalee, paano kung patayin nila tayo?” “Edi patayin nila…” “Tangina! Kung makapagsalita ka naman parang madali lang sa ‘yo an

