“This is all I learned: God made us plain and simple, but we have made ourselves very complicated. Only the wise know what things really mean. Wisdom makes them smile and makes their frowns disappear.” – Ecclesiastes 7:29, 8:1 ** Chapter 31 Ruth Kalaunan ay na-realize kong pagkatapos ng apat na taon naming hindi pagkikita, medyo personal kaagad ang mga tanong niya sa akin. May boyfriend o manliligaw daw ba ako? Sa akin-akin lang, para bang “Hello? Ang tagal nating hindi nagkita o nag-usap. Akala ko nga hindi na tayo magkikita tapos gan’yan ka makatanong sa akin?” Nahihiwagaan lang ako. At pati ang loob ng tiyan ko ay nag-aalburoto. Dylan de Silva’s presence was very overwhelming. Kung itatabi marahil siya sa ibang lalaki ay mai-intimidate sa kanya. At the moment, he wasn’t the kind