“Anything you say to the wise will make them wiser. Whatever you tell the righteous will add to their knowledge.” – Proverbs 9:9 ** Chapter 38 Part 1 Ruth Hindi pa rin ako makagalaw. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakaupo sa sofa na ito at hindi ko na inisip pa ang oras. Pinagpahinga na sa kani kanilang kwarto sina Dulce, Yandrei and their mothers. Anton and Dean went outside to get some coffee. Ang dinig ko ay hindi sila matutulog. Sina Kuya Nick at Red ay lumabas lang din sandali. Naririnig ko ang mahihinang pag uusap nina Uncle Johann, Uncle Reynald at ni Daddy. Si Mommy ay pinilit ni dad na magpahinga sa kanilang kwarto pero hindi siya umaalis sa tabi ko. That was when I realized na hindi siya aalis kung hindi ko uudyukan na matulog. Lumalalim na ang gabi at ayokong ma