Chapter 29 Part 2 Ruth It took me multiple times bago ko naiwala sa isipan ang balitang nakabalik na ng Pilipinas si Dylan. Pero panandalian ko lang ‘yon nagawa. Dahil hanggang sa bahay ay dala dala ko sa isipan na nandito na nga siya! Tiningnan ko ang phone ko. May dalawa akong number. Para sa trabaho at personal. I’m still using my old number. Itong numero na alam ni Red. Same number na nakuha ni Dylan sa resume ko. Hindi pa kaya nakakauwi sina Red kaya wala akong balita sa kanilang lahat? I . . . will never expect na tatawagan ako ni Dylan after what happened four years ago. Kahihiyan sa kanya ang ginawa ko. He will never be reconnected with me. Now that I tainted his manly image. No’ng umagang iyon ay naisipan ko na lang bigla na puntahan sa palengke si Geneva. Nag takeout ako n