Chapter 49 Part 2 Ruth On the day of his cremation, naulit ulit iyong pakiramdam na may bigat sa dibdib. We were wearing black shirts. Isang beses pa kaming binigyan nang pagkakataon na masilayan si Lolo Leon bago ito ma-cremate. Hindi kami pinabayaan ng pamilya de Silva. Si Hector at ako, kasama si Dylan ang alternate na naiiwan sa gabi para magbantay. Pinaghotel ni Hector sina Manang Gloria habang nasa manila pa. hindi pumapayag si Dylan na mapuyat ako. Kaya kahit kami ang bantay kay Lolo, nakaunan ako sa hita niya at nakakatulog ako. Sa araw ng cremation, hindi niya ako iniiwanang mag isa. Kung malayo man siya, sandali lang iyon at babalikan niya ako. Kahit kapag magbabanyo ako, kasama ko rin siya sa loob. kahit noong sandaling nakaalalay ako kay Lola Socorro, nasa tabi ko rin si