Chapter 39 Part 2 Ruth Pagkatapos ng hapunan ay nag usap sandali sina Dad at Lola Socorro. Lola also told him about her encounter with Napoleon Salviejo. Napagtugma nilang dalawa na ako nga ang pakay ni Napoleon kaya ito nagpaparamdam. Na tama ang kutob noon ni Mama Denise. Na balang araw ay kukuhain niya ako para maging parte ng Blue Rose. At hinding hindi iyon hahayaang mangyari. Knowing that they’ve been protecting since I was born made me felt secured. Nakakaramdam din ako ng takot. Pero kapag napag uusapan na ay nalulusaw iyon at tumatapang ako. Nang lumalim ang gabi ay nagpaalam nang aalis si Lola. Tumayo na rin ako at nagsabing uuwi na kasama siya. Hinarangan ako ni Dylan. We were in the library and looked like the whole family were having a secret meeting. “I have work tomorr