FRIDAY ng umaga ay hindi pumasok sa trabaho si Ingrid dahil sinamahan niya sa ospital si Dwayne para sa MRI nito. Nakabalik na rin si Manang Sonia kaya iniwan niya rito si Slather. Nakapagtatakang sinundo pa sila ni Dr. Grande sa condo, at may assistant pa ito. Nagmukhang VIP tuloy sila. Sa dating ospital pa rin na pinanggalingan ni Dwayne sila dinala ni Dr. Grande. And while entering the hospital, Ingrid noticed Dwayne’s anxious face. He seemed to be vigilant. Panay kasi ang ikot ng paningin nito sa paligid, lalo nang kabababa nila ng kotse. And Dr. Grande's three assistants were monitoring the surrounding. They were assisting them whatever they did. “Is everything okay?” hindi natimping tanong niya kay Dr. Grande. Tumuloy na sila sa MRI room. “Yes, why?” kaswal na tugon ni Dr. Grand