NASORPRESA rin ang daddy ni Ingrid nang dalhin niya sa opisina nito ang perang bayad ni Jake sa utang. Saktong naroon din ang mommy niya. Dumiretso siya roon kinagabihan pagkatapos ng duty niya sa ospital. Uuwi na rin sana ang mga ito. “I’m curious about Jake’s friend, Ingrid. Bakit ngayon lang iyon lumitaw? Ang sabi ni Jake ay wala na siyang ibang malalapitan na makatutulong sa kaniya,” sabi ng daddy niya. Magkatabi sila ng mommy niya sa sofa sa gilid ng lamesa ng kaniyang ama. She noticed the doubt in her dad’s face. Well, she can’t blame him. Even she felt uncomfortable with Jake’s surprising news. “Sana walang ilegal na negosyo si Jake, Ingrid,” sabi naman ng mommy niya. “Mom, don’t judge him without knowing the story. Don’t worry, I did my best to observe him, and I will talk to