MASAKIT pa sa balat ang sikat ng araw ng alas kuwatro ng hapon. Pero makulit si Slather at umiyak na dahil gusto nang maligo sa dagat. Nagdala na lamang sila ng payong. Nagising na rin sina Wallace at Vladimir at sumama sa kanila sa beach. Iniwan sila roon ni Ingrid dahil magpapaluto raw ito ng snack nila. Natutukso siyang mag-surfing nang makita si Vladimir na nagpapatangay sa alon sakay ng surfboard. Kaso binabantayan niya si Slather na lumalangoy. May suot naman itong life vest kaso maalon na ang dagat sa oras na iyon kaya hindi niya inalisan ng tingin ang anak kahit na nasa mababaw lang ito. Nalingat lang siya sa mga kasama ay nawala na si Wallace. Iyon pala, may kasama ng babae sa pampang. Babaero talaga ‘to. Excited na siyang maikasal ito nang malaman niya ang improvement. He knew