IBA naman ang trip ni Dwayne nang gabing iyon. Matapos siya nitong hubaran ay pinahiga siya sa mahabang lamesa na kaniyang study table. Nakagapos ang mga kamay ni Ingrid na nakaangat sa kaniyang ulo at itinali sa headrest ng silya roon. “Uulitin mo na namana ng ginawa mo sa akin noon, ano?” aniya nang maalala ang kalokohan ni Dwayne noong honeymoon nila sa Spain. Ngumisi ito habang nakatayo sa paanan niya. May hawak itong bote ng red wine at baso na puno ng ice cubes. “Ah, it would be different. Noon kasi nakatayo ka habang nakagapos. At saka icing ng cake naman ang ginamit ko noon, ‘di ba? Now, it’s common, the red wine,” anito. “Pero huwag mo namang tagalan.” “Mabilis lang ito, mga isang oras.” Tumawa ito. “Dwayne!” Bumaling ito sa gawing kaliwa niya saka inilapag sa tabi niya ang