INABOT ng gabi sa condo ang mga kaibigan ni Dwayne. Nagyaya pa kasi si Wallace na mag-inuman sila. Nauna lang umuwi si Clinton dahil may duty pa ito sa ospital. Wala namang angal si Ingrid sa ungot ni Wallace na doon sila matulog. Ang kuwarto ni Slather ang inilaan nila para sa dalawang bisita. Sa kuwarto nila ni Ingrid pinatulog ang anak nila. Dwayne loves how Ingrid prepares their beer match snack, a roast chicken. Hindi niya hiniling na asikasuhin nito ang kailangan nila. Sosyal naman itong si Wallace kapag nakipag-inuman. Gusto imported liquor at humirit ng babae pero hindi puwede. Nang malasing ito ay naglabas ng sama ng loob tungkol kay Yoshin. Katabi niya sa sofa si Ingrid pero wine lang ang iniinom. Katapat nila ang dalawa niyang kaibigan. “Ano ba ang sinabi ni Yoshin sa ‘yo?” u