HALOS paliparin ni Dwayne ang kotse makaabot lang sa panganganak ni Ingrid para sa second baby nila. Gusto niya naroon siya sa pagluwal mismo ng kaniyang anak. Kagagaling niya lang ng opisina sa kumpanya nila Ingrid nang tumawag ito at sinabing manganganak na. Nasa clinic lang nito si Ingrid at naroon naman ang kasama nitong doktor para tumulong pero siya pa rin ang gustong makita. May isa pang OB-GYN na naroon sa clinic nang hapon na iyon na kahalili ni Ingrid. Kasabay niyang dumating ang biyanan niyang babae kasama si Slather na sinundo nito sa school. Napatakbo siya papasok ng clinic at diretso na sa kuwarto kung saan nagla-labor si Ingrid. Naghahalo ang taranta at excitement niya at hindi malaman kung ano ang gagawin. Umiiri na si Ingrid, nagsusuot pa lang siya ng mask at hairnet.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books