PAGPASOK nila sa unit para kay Dwayne ay nadatnan nilang abala ang mommy niya sa pag-aayos ng mga gamit sa salas. Napailing na lang si Ingrid. Noong siya ang lumipat doon sa condo, hindi man lang tumulong ang mommy niya kahit maglagay ng abubot sa kuwarto niya. Si Manang Sonia lang ang katuwang niya. Naroon din naman ang mommy niya pero pinupuna lang ang mga binili niyang gamit. Nakipaglaro kaagad si Slather sa tatay nito. Naghahanda naman ng tanghalian si Manang Sonia. Pagsilip niya sa kuwarto ni Dwayne ay meron nang maliit na kama katabi ng king size bed. “Bakit may maliit na kama?” tanong niya sa kaniyang ina na pumasok din ng kuwarto at inayos ang mga bagong biling damit ni Dwayne. “Nako! Your son chose that bed when we were in the mall. Gusto niya meron din siyang bed dito,” ani