PAGKATAPOS ng almusal ay tinawagan ni Dwayne si Ricardo. Busy pa ito kaya hinintay niya na ito ang tatawag sa kaniya. While waiting for Ricardo’s call, he mopped the floor in the kitchen. Kinulit din siya ni Slather na maligo na raw sila kaya inasikaso muna niya ito. Naligo na rin siya at bumalik sila sa kaniyang unit. Gusto pa niyang asarin si Jake. Mas mainam na dalasan niya ang paglalagi sa unit ni Ingrid. Okay lang sa umaga na naroon siya sa unit niya kasama si Slather. Wala naman si Ingrid. Nang makapagbihis sila ni Slather ay iniwan niya ito sa kuwarto habang nanonood ng telebisyon. Nagtungo siya sa kusina dala ang kaniyang cellphone. He’s waiting for Ricardo’s call while chopping the chicken meat for nuggets. Request iyon ni Slather, kaso wala silang stock na ganoon kaya gumawa s