Chapter 66

1816 Words

TINUTOO talaga ni Dwayne na hindi ito magigising nang maaga. Mabuti nakapag-set siya ng alarm ng alas-sais. Mahimbing pa ang tulog ni Dwayne nang iwan niya ito sa kama pero alam niya na magigising na rin ito. Pagdating niya sa kusina ay naroon na si Manang Sonia at nagsasangag ng kanin. Nagising na rin si Slather kaya pinagtimpla niya ito ng gatas. Maaga itong natulog kaya siguro napaaga ang gising. Nangungulit na ito at gustong pumunta ng Tagaytay. “When tayo pupunta ng beach, Mommy?” tanong ni Slather. Naubos na nito ang gatas at bumaba na ng silya. “I’m not sure, anak. Your dad and I were busy so maybe next week or the other week,” tugon niya. Nagbalat siya ng carrot para sa omelet. Paborito iyon ni Slather. “Bakit po busy rin si Daddy? Nagwo-work din po ba siya, Mommy?” usisa nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD