BAGO ituloy ang plano kay Jake ay pinilit ni Ingrid na makausap si Annie. Inabangan talaga niya ito sa ospital nang Miyerkules ng tanghali. Hindi kasi nito sinagot lahat ng tawag niya at text. Hindi ito nakaiwas nang harangin niya sa hallway. “We need to talk, Annie. It’s about Jake,” kaagad ay sabi niya. “Okay,” sa wakas ay pagpayag nito. Tumuloy sila sa malapit na restaurant upang doon mananghalian. Sagot niya ang lunch na iyon. As usual, her bodyguards were just around to monitor her. “Hindi pa ba okay ang usapan ninyo ni Kuya? Ano ang nnagyari sa meeting ninyo?” usisa nito. “Wala kang nabalitaang nagkagulo?” aniya. Umiling ito. “Wala ako sa bahay since Monday dahil meron kaming medical mission sa Antipolo.” “Kaya pala. Hindi ba nagkuwento si Jake pag-uwi mo?” “He’s not in the h