Sa huli ay pinili ko nalang maglakad sa initan kaysa makarinig ng samu't saring insulto sa mga taong ayaw sa akin. Minsan naiisip ko na mas okay na ako nalang kaysa si lola ang kanilang insultuhin. Pawisan ako ng makaabot ng palengke. Nauna ko agad binili ang vitamins ni lola at kung ano pa. Binilhan ko rin ng damit si lola at nang mapadaan ako sa mga damit na para sa akin. Natigil ako doon at kinagat ang labi. Gustong gusto ko ang kulay white na dress kaya ng makita ang kulay puti na dress ay nahumaling ako. "Uh, ate... magkano po ang bestidang puti?" tanong ko sa nagtitinda. Masama agad ang tingin sakin nito. "250 iyan. Ano bibili ka?" Tumango ako at itinuro ang kulay puti at brown na dress. "Yang dalawa po sana." Painsultong tumawa ang babaeng nagtitinda at umiling. "Malaki

