“Meseeyah.” Dalawang boses. Dalawang init. Dalawang lalaking nakatitig sa kanya na parang siya ang tanging bagay na kayang magpabaliw sa kanila ngayong gabi. Si Roman — nakatayo nang malapit, ang init ng palad nito ay parang bakas pa sa pisngi niya. Si Moses — nakasandal sa pinto, nanginginig ang panga, halatang pilit pinipigil ang pagsabog ng damdamin. At siya… nasa gitna nila. Humihinga nang mabigat, naguguluhan, pero hindi maikakaila — kinikilig, naaakit, at natutukso. “Who do you want, Meseeyah?” malamig pero pabigat na tanong ni Moses. “Meseeyah,” bulong ni Roman na puno ng lambing, “just choose where you want to feel safe tonight.” Pero hindi iyon ang totoo. Pareho silang hindi ligtas. Pareho niyang alam na sa piling ng isa sa kanila… may mangyayaring magbabago ng lahat.

