Title: Dalawang lalaki iisang pintuan Masyado nang malapit si Moses. Masyado nang mainit ang hininga niya sa balat ni Meseeyah, sapat para mawala ang lahat ng naririnig niyang ulan sa labas. Kung gagalaw pa ito kahit isang pulgada… Wala nang atrasan. “Moses…” bulong ni Meseeyah, hindi sigurado kung nagmamakaawa o nagbabala. Pero hindi umatras si Moses. Hinawakan niya ang baba ni Meseeyah, hinila ng marahan pataas ang mukha nito, tinitignan ang mga labi niya na parang isang bagay na matagal na niyang gustong kunin. “You’re shaking,” sabi niya. “You’re the reason,” sagot niya, halos mahina. Tahimik ang loob ng villa. Tahimik—pero hindi mapayapa. Si Roman at si Moses ay parehong nakatayo sa magkabilang gilid ni Meseeyah, parang dalawang bagyong nagbabanggaan, parehong handang suma

