Chapter 5

1055 Words
"Maraming salamat R-Roman." aking pagsasalamat ng makalabas sa sasakyan ni Roman. Nandito na ako sa harapan ng bahay ni sir George na malapit lang sa aming eskwelahan. Suminghap ito at napuna ko ang pang alis niyang damit. Ibang iba talaga ang porma kapag lumaki sa siyudad. Katulad ng mga babaeng kasama nila. Alam ko na taga rito lang sila ngunit ang gaganda ng damit. Ako kaya? Kailan ako makakasuot ng ganyan kagandang damit? "Who's George? Sure ka ba na iiwan ka namin dito?" tanong ni Roman at tinitigan pa uli ang bahay ni sir George. "Uh, teacher ko sa paaralan. Hihingi lang ako ng kamote para sa kakainin namin mamaya." umiwas na ako at medyo lumayo. "Maraming salamat ulit. M-Mag ingat kayo " Ginawa ko lahat para hindi tignan ang nasa loob ng sasakyan niya lalo na at binaba ng babaeng kasama nila ang bintana. "Roman come on! Malayo pa ang kabilang isla. Gagabihin na tayo!" sabi nito kaya mas lalo akong nagkumahog na tumalikod nalang para makaalis. Pumasok na ako sa gate nila sir Roman at nakita na agad ako ng nag iisa nilang katulog. "Oh! Ikaw pala Meseeyah. Pasok ka!" ani aling Lia. Umiling ako. "Magandang hapon po. Hihingi lang po sana ako ng kamote. Puwede po ba tiyang?" Binitiwan agad ni aling Lia ang walis at lumapit sa akin. "Ikaw talaga! Sana kanina kapa pumunta! Gabi na Meseeyah! Halika dito sa likuran at tutulungan kitang kumuha." Ngumisi agad ako at sabay kaming pumunta doon ni tiyang. Medyo dumidilim na ngunit hindi man lang ako natinag lalo na ng makita ang maraming gulay ni sir George! "Eto Meseeyah!" binigay sakin ni Aling Lia ang maraming kamote at nilagay s basket. "Ang dami naman tiyang!" nakaramdam ako ng saya dahil sa tingin ko ay tatlong araw na namin makakain ni lola iyon. "Ito rin Meseeyah. Dalhin mo na iyan sainyo. Pasensiyahan mo na at iyan lang muna kasi ito lang rin ang pinagkukuhanan ko pag uwi sa aming bahay. Mabuti nalang at mahilig si sir sa mga gulay. Araw araw talaga ay may pagkukuhanan." Habang nagsasalita siya ay dinagdagan niya ng maraming okra ang basket na binigay sa akin. "Maraming salamat ho talaga tiyang!" napatingala kami sa langit ng kumulog. "Baka gagabihin pa si sir George. Alam mo kasi marami iyon inaasikaso sa iskul. Ang anak niyang lalaki wala rin dito. Nagbabasketball siguro sa court." "Ganoon ho ba tiyang? Sige ho. Puwede po bang pakisabi kay sir na maraming salamat? Tsaka maraming salamat rin po sayo tiyang." "Wala iyon Meseeyah. Kilala ko na kayo matagal na.." ngumiti si tiyang sakin at malamlam akong pinagmasdan. "Maganda ka. Sobra Meseeyah. Para kang diwata! Ang dami kong' naririnig tungkol sayo pero kilala ko kayo ng lola mo. Hayaan mo na ang mga taong nang iinsulto at nangungutya sayo. Hindi man tayo mayaman pero mayaman tayo sa mabuting pag uugali." Ngumiti ako. "Tiyang ayos lang. Wala naman po masamang maging mabuti. Ayoko rin talaga manakit ng kapwa." Naalala ko ang mga napagdaanan ko mula pa noon na pananakit sakin ng ibang tao simula pa ng bata palang ako. "Kasi tiyang alam mo ba na ang dugo ng tupa ay gamot sa kamandag na kagat ng ahas? Kaya po si papa God ay tinawag na "Blood of the Lamb" kasi napapagaling niya ang anumang uri ng sakit." Umawang ang labi ni aling Lia. "Oo nga ano? Ikaw talaga! Ang dami mo nang alam kakasimba. Pagpatuloy mo iyan. Ang buti buti ng puso mo Meseeyah." Ngumisi ako kay tiyang Lia at pagkatapos ng aming usapan ay umalis na ako para makauwi. Kumukulog ang kalangitan at sadyang madilim na ang paligid. Nakaramdam ako ng kaba dahil malayo pa talaga ang lalakarin ko. "Okay lang! Marami naman akong dalang pagkain para kay lola. Kakain naman kami mamaya." sabi ko sa sarili at nagpatuloy sa paglalakad. Kumakanta kanta pa ako ng kantang pang simba tuwing linggo para maiwasan ang kabang nararamdaman. Kung walang sasakyan o traysikel na dadaan ay wala talagang ilaw ang mga kalye o daan. Dito sa Isla Plaez ay hindi lahat ng daan ay may posteng ilaw. Habang kumakanta ay naramdaman ko ang pagpatak ng ulan kaya napahinto ako. "Hala! Umuulan na!" gusto kong tumakbo ngunit naisip ko na tumakbo man ako ay mababasa parin. Kaya hindi nalang ako tumakbo. Hinayaan ko ang sarili na mabasa ng ulan. Yakap yakap ko ang sarili habang naglalakad at may panaka-nakang pag kidlat. Gustuhin ko man umiyak at matakot ay wala akong maaasahan kundi ang sarili ko lang. Sa kabila ng malakas na ulan ay may narinig akong humaharurot na motor. Sanay naman ako na may mga motor naman ang taga dito sa amin kaya hindi ko na iyon pinansin. Ngunit ng iyon ay huminto sa aking gilid ay nagulat ako. Ang gulat ko ay mas lalong nadagdagan ng makitang si Moses ang nakamotor at basang basa rin siya ng ulan. Kinusot ko ang aking mga mata. "Sumakay kana. Gabi na at malakas ang ulan." Napalunok ako sa kanyang sinabi at hindi pa agad nakasagot. "Sakay na. Delikado na dito sa daan. Maghahanap muna tayo ng masisilungan!" sigaw niya para marinig ko dahil sa lakas ng ulan. Kinagat ko ang aking labi at umangkas nalang sa kanyang motor. Ang aking puso ay walang humpay sa pagkamayaw. Ngayon lang ako nakaangkas sa motor at diba kanina ay kasama siya ni Roman? Anong ginagawa niya dito? Humawak ako ng mahigpit sa baywang niya at kinalabit siya. "K-Kahit diyan lang ako sa malapit!" nanginginig kong sinabi. "Malayo pa tayo. Sumilong muna." Damn! Iniisip ko palang na sisilong kami ay kinakabahan na ako! Napakapilyo pa naman ng lalaking ito! Hindi nagtagal ay nakakita kami ng kubo sa gilid ng malaking puno. Malayo pa ang sa amin at malakas parin ang ulan. Nang pinarking ni Moses ang motor ay bumaba agad ako at sumilong sa kubo. Marahas niyang sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay at sinipa nalang basta basta ang pintuan ng kubo kaya bumukas iyon. Sa gulat ko ay napatalon pa ako. "Pasok ka." aniya. Wala akong ibang choice kundi ang pumasok dahil sa malakas na kidlat. Sa loob ng kubo ay may mesa at nag iisang silya. Hinubad ni Moses ang kanyang jacket at T-shirt kaya napalunok ako. Ano ba itong pinasok ko? "Maghubad ka. Lalamigin ka." utos niya sakin at tinitigan ako ng madilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD