“Matagal ng nasa akin iyan, pagkatapos mong binato sa wall ay umalis ka at kami naman ng Daddy mo ay umakyat sa iyong kwarto. Dinala ko sa paayosan at nakita ko ang videoclip ni Desiree, at parang may mali kaya pumunta ako sa kaibigan kong expert. Nariyan ang ang kopya ng gawa ni Greta at ang kopya ng expert at clear iyon. Tingnan mong mabuti dahil kilala mo ang katawan ni Desiree at ikaw lang ang nakakaalam kung fake ang babaeng nariyan or hindi, pero edited ang video na yan pinsan." "Bakit ngayon mo lang ito binigay sa akin?" "Dahil nag alanganin ako, naalala mo yong nag inoman tayo dahil ikaw ang nanalo sa mga candidate para maging CEO? Yon ang time na dinala ko sa expert yan. Dahil sa mga sinabi mo sa akin ng gabing yon. Ang akala ko ay ako lang ang baliw na Montemayor pagdating sa p