JB, bukas na ang huling hearing ng pagdinig sa kaso, at hindi ko man lang nakikita yang si Xion?” “Tatlong araw ng wala siya dito sa bansa at may mahalaga siyang pinuntahan pero darating iyon sa huling paglilitis.” Sige, pinsan dahil kailangan na nating mailabas si Desiree, ilang beses na may nagtangkang patayin siya. At sigurado na may mga tao si Nathan na binayaran sa loob, mabuti na lang nagagawang makaligtas sa mga umaatki sa kaniya.” “Sa palagay mo pinsang Lath, ay may chance na makalaya si Desiree?” “Medyo nahihirapan tayo dahil maraming nilalabas na witness si Ibanez, pero napag aralan ko na ang mga dagdag ebidensya at naibigay ko na kay Vince ang lahat. Ngunit hindi tayo papayag na hindi masintensyahan ang tunay na may kasalanan, magtiwala lang tayo sa kakayahan ni Vince at man