Hanggang ngayon ay walang nakakaalam kung sino ang may kagagawan kung bakit na paralyze si Nathan Ibanez. Ngunit malaki ang hinala ni Josh na may kinalaman ang dalawang lalaking nagpanggap na kaniyang tauhan. Ayon sa dalawang bantay sa basement ng gabing iyon ay may pumalit daw sa kanilang dalawang elite kaya naman tumuloy na sila sa kanilang quarters. “Liam, nasaan ang copy ng cctv ng gabing nakatakas si Ibanez?” “Nasa files Kuya, bakit kailangan mo ba?” “Gusto kong makita,” malakas ang hinala niyang may kinalaman ang magkapatid. “Ito kuya, nariyan ang buong copy mula sa simula hanggang nakatakas siya.” “Sige salamat, ibabalik ko rin sa yo ito may titingnan lang ako.” “Okay.” Habang patungo ng opisina si Josh ay hindi mawala sa isipan ang magkapatid, tinawagan niya ang dalawang tau