“Mga wala kayong silbi! Nasaan ang Boss Greta ninyo? Bibigyan ko kayo ng tatlong araw dapat madala nyo siya sa akin! Or may kakalagyan ang kayong lahat, kilos na!” Nagpupuyos sa galit si Nathan, napaka impossible na na lusutan ang mga tauhan ni Greta at nabihag ang babaeng iyon. Kung sino man ang mole sa loob ng grupo nila ay papatayin niya, pati mga CCTV ang clear sa mga oras na pinasok ang bahay ni Greta. “Ronald! Dalhin mo sa akin ang taong kasama ni Greta ng gabing binuhay niya ang matandang Lopez!” “Masusunod po Bossing!” Isinama ni Ronald ang apat na kasamahan sakaling umalma ang tatlong taong kasama ni Greta ng gabing iyo. “Pag nagtangkang lumaban ay barilin nyo agad, mukhang may kalokohan ginagawa ang mga yan na hindi alam ni Big Boss.” Masusunod kusa, ako ang bahala sa mga t