Pansamantala ay doon muna siya sa hacienda Montemayor Pangasinan. Siguro tama ang pinsan baka kailangan niya ang tahimik na lugar para makapag isip. Sakay ng chopper na maghahatid sa kaniya patungo sa probinsya. Ang sabi ng pinsan ay napakaganda raw ng lugar na iyon. Kaya naman hindi na siya nagpatumpik tumpik ay pumayag sa suhestiyon nito. Pagkakataon na rin na matuto siyang sumakay ng kabayo. Maliit pa lang siya ay pangarap na niya ang magka pag-aalaga at gusto niya ay black stallion. “Manang, dito po muna si Master Xion, anak po ni boss JB.” “Pasok ka iho, tumawag nga ang iyong Ama at sinabing darating ka nga raw, tumuloy ka na sa kusina at naka ready ang pagkain doon.” Sumabay ka sa master mo iho bago ka bumalik ng Maynila ay kumain ka muna.” “Sige po Manang, salamat nagugutom na ri