Kabanata 157 KEI WAS kept on calling Daisy. Gusto niya na kasing malaman kung ano ang updates tungkol kay Kristina. Ang tagal na kasi simula nang huli siya nitong tawagan. Right now, hindi niya alam kung ano na ang nangyayari sa asawa niya. Huli niyang nakausap si Daisy, ay iyong isinugod daw sa hospital si Kristina matapos nitong mahimatay. Ngayon ay matindi ang pag-aalala niya dahil hindi na muling nag-update sa kanya si Daisy. Lingid kasi sa kaalaman ni Kristina. Bago sila maghiwalay ay kinausap niya si Daisy. She will report everything to him and Daisy agreed everything on his plan. Kahit pa minsan ay gusto na ni Daisy na umayaw. Sinabi nitong nakukunsensya na ito na hindi magsabi ng totoo kay Kristina. Ngunit mabuti na lamang at nakumbinsi niya pa rin ito na huwag munang magsabi

